Sunday, December 14, 2008

UP Manila Chorale


Ang Manila chorale ng University of the Philippines Manila ay naghandog ng napakaespeyal na concert para sa nalalapit na pasko. Dito kinanata nila ang koleksyon ng musika ni George Fideric Handel na Messiah na tinaguriang pinakakilalang gawa niya. 
Matagal ko ng hinahangaan ang UP Chorale. Sa tuwing nag-aRTR sila sa klase at kumakanta ng mga sample na piyesa talagang kahangahanga ang boses ng grupo kaya ako ay natutuwa na nabigyan ako ng opurtinidad na manuod ng kanilang concert. 
Nag-enjoy ako sa concert lalo na kasama ko ang mga blockmates ko. Nung concert, yung ibang kanta ng Chorale ay akapela lamang. Ang galing nga eh kasi sila gumagawa ng sariling beat. Sa pagkanta din nila may mga variations ng boses ung iba mataas ung iba mababa na pagpinagsama eh kaaya-ayang pakinggan. Yung ibang kanta nili ay kasabay naman ng piano. hangang- hanga nga ako sa nagpiya-piyano eh. Nakaka-inggit. Sana ako rin nakakatugtog ng mga ganoong piyesa. Sa bandand huli may kinanata sila na pamilyar sa akin at gusto ko, yung Hallelujah. Gusto ko ung kantang yun kasi napaka-komplikado niya. mai part doon na pataas ng pataas ang tono ng kanta. Ang galing!
Ang concert na ito ay isang paraan upang maipakita ang galing at kakayahan ng tao. Patuloy natin suportahan at pagmalaki ang mga talentong ito=] 

No comments: