Sunday, November 30, 2008

Ngipin ng Sinaunang Panahon


Marahil kayo ay nagtataka kung papaano naaalagaan ng mga ninuno natin ang kanilang ngipin sa panahon nila na walang sapat na kagamitan at kaalaman para sa ngipin. Ngunit hindi lang natin alam na noong panahon kung kailan nagsimula ang sibilisasyon ng tao ay mayroon nang mga "dentista" at pati na rin mga "doktor" .Sa katunayan maraming nakuhang dokumento ng sinaungang panahon na naglalaman ng mga paraan ng pag-alaga ng ngipin tulad nalang ng pagpapaputi ng nangingilaw na ngipi at pagpapawala ng mabahong hininga.

Sa panahon noon hanggang ngayon, ang numero unong problema sangipin ay ang " tooth decay" o pagkabulok ng ngipin. Ang "tooth decay" ay gawa ng paghalo ng "sugar" mula sa ating mga pagkain at mga bakteriya na naninirahan sa ating bibig. Kapag aghalo ang 'sugar" at bakteriya sa ating bibig nagiging asido ito at inaatake ang ating mga ngipin at ito ay nabubulok. Kapag ang ngipin ay nabulok dapat itong tanggalin para hindi madamay ang ibang ngipin.

Noong unang panahon kapag binubunot ang mga bulok na ngipin pinapalitan nila ito ng artipisyal na ngipin na gawa sa mtal tulad ng gold, silver at copper. ang tawag sa prosesong ito sa panahon ngayon ay "dental implant". Hanggang ngayon ginagaa pa rin ang ganitong proseso at parehong materiyales pa rin ang ginagamit nila pamalit sa ngipin na nabunot. Pero ngayon mas pinaimprove ang proseso ng "dental implant".
Nakakatuwang isispin na ang mga sinaunang tao ay nakatuklas ng ganitong proseso na hanggang ngayoon ay ginagamit pa rin natin. Kahangahanga na sa kakulangan sa kagamitan at sapat na kaalaman nagawa pa rin nila ang proseso ng "dental implant". Tunay nga ang kasabihan na " the past is the key to the future".



















No comments: